Connect with us

Capiz News

2 MENOR DE EDAD SUGATAN MATAPOS MAGBANGGAAN ANG MENAMANEHO NILANG MGA MOTORSIKLO SA DAO, CAPIZ

Published

on

Sugatan ang dalawang menor de edad na lalaki matapos na magbanggaan ang kanilang mga menamanehong motorsiklo sa Brgy. Nasunogan, Dao, Capiz.

Ang mga menor de edad ay parehong edad 15-anyos, isa residente ng Brgy. Quinabcaban at driver ng Smash 115 habang ang isa naman ay residente ng Brgy. Nasunogan sa nasabing bayan, driver naman ng Rusi 125.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Dao PNP, naganap ang aksidente dakong alas-6:30 ng gabi sa kurbadang bahagi ng kalsada.

Nawalan umano ng kontrol ang driver ng Smash 115 na papunta sanang Dao na direksyon mula sa Cuartero dahilan para umapaw ito sa linya at nabangga ang kasalubong na motorsiklo na Rusi 125.

Nagtamo ng sugat sa iba-ibang bahagi ng katawan ang mga biktima. Isinugod ang mga ito sa magkahiwalay na ospital para sa kaukulang paggamot.

Iniimbestigahan pa ng kapulisan ang kaso.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *