Connect with us

Capiz News

2 lalaki pinagsasaksak sa Sapian, Capiz; isa patay

Published

on

LALAKI TINADTAD NG SAKSAK PATAY

Isa ang patay habang isa naman ang sugatan matapos pagsasaksakin sa Sitio Casay, Brgy. Agtatacay Sur, Sapian, Capiz.

Kinilala ang namatay na si Jurly Evangelio, 38-anyos, residente ng nasabing lugar, habang ang sugatan ay si Amor Dela Cruz, 38, residente ng Brgy. Agsilab, Sapian.

Kinilala naman ang suspek na si Ben Cuagon alyas “Ebong”, 34, residente ng Sitio Casay.

Batay sa report ng Sapian PNP, sasakay na sana sa kanilang motorsiklo ang mga biktima nang sila ay pagsasaksakin ng suspek sa kanilang likuran nitong gabi ng Sabado.

Iniwan ng mga biktima ang kanilang mga motorsiklo para makatakas sa suspek.

Agad na dinala ang biktimang si Jurly Evangelio sa Mambusao District Hospital ng mga rumesponding mga tauhan ng Sapian MDRRMC pero binawian rin ng buhay habang ginagamot doon.

Habang nagatago naman sa isang bahay ang isa pang biktima.

Advertisement

Naaresto ng kapulisan ang suspek sa kanilang pagresponde at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *