Connect with us

Capiz News

2 LALAKI BINARIL SA BRGY. DULANGAN, PILAR

Published

on

Binaril sa Brgy. Dulangan, Pilar, Capiz ang dalawang lalaki alas-9:00 ng gabi nitong Lunes.

Kinilala ang mga biktima na si Bernard Amistoso, 51-anyos, at Jose Sanny Billonid, 49, may-asawa, parehong mga residente ng nasabing lugar.

Batay sa report ng Pilar PNP, may nambato umano ng hindi pa malamang bagay sa bahay ni Amistoso dahilan para lumabas ito ng bahay at humingi ng saklolo sa kaniyang mga kapitbahay.

Sunod na lumabas si Billonid kung saan ang gamit ang flashlight ay nag-search ito sa paligid nang sila ay makarinig ng putok mula sa labas patungo sa kanilang bahay.

Tinamaan sa kaniyang tiyan si Amistoso habang si Billonid naman ay tinaman sa kaliwang braso nito.

Agad na nagtago sa likod ng kanilang bahay ang mga biktima para sa kanilang kaligtasan.

Mabilis silang isinugod sa Capiz Doctor’s Hospital para sa kaukulang paggamot.

Narekober ng kapulisan ang isang fired cartridge case ng 12 gauge shotgun sa lugar kung saan nagtago ang mga biktima.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng kapulisan sa nasabing insidente.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *