Connect with us

Capiz News

2 lalaki arestado sa pagnanakaw ng motorsiklo sa Pontevedra

Published

on

Arestado ang dalawang lalaki matapos magnakaw ng motorsiklo sa Panitan, Capiz.

Kinilala ang mga suspek na sina Melvin Betir, 37-anyos, at Ernie De Mayo, 23, mga laborer at parehong residente ng Brgy. Balatucan, sa nasabing bayan.


Narekober ng mga otoridad ang ninakaw nilang motorsiklo sa Brgy. Intongcan, Pontevedra, Capiz umaga nitong Miyerkoles.

Ang motorsiklo na isang PINOY 125 ay pagmamay-ari ni Marlou Denosta, 28, residente rin ng Brgy. Balatucan.

Ang operasyon ay ikinasa ng pinagsamang mga tauhan ng Pontevedra PNP sa pangunguna ni PMaj. Christopher Candelario, Panitan PNP sa pangunguna ni PLt. Merry Chris Dela Cruz, Provincial Highway Patrol Team sa pangunguna ni PMaj. Peter Bergonio at Capiz CIDG sa pangunguna ni PMaj. Chris Arthemius Devaras.

Pansamantalang ikinulong ang mga suspek para sa kaukulang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *