Connect with us

Capiz News

2 konsehal ng City Council nagreklamo sa Roxas City PNP kaugnay sa isang FB post

Published

on

Nagreklamo sa Roxas City PNP ang dalawang konsehal ng Sangguniang Panglungsod matapos makabasa ng hindi magagandang post sa Facebook mula sa isang netizen kontra sa kanila.

Sina Konsehal Moring Gonzaga at Konsehal Midelo Ocampo ay sabay na dumulog sa kapulisan umaga ng Huwebes para iparekord ang nasabing insidente.


Parehong inirereklamo ng dalawa ang isang Janice Bacay ng Brgy. Tanque at Brgy. Lanot, Roxas City.

Ayon kay Gonzaga, nagpost umano ang nasabing netizen sa kanya na “Dapat Sakto Mo Plano Para Pag Dalagan Mo Sa Sunod Nga Election Botohon Ka Sang Mga Supporters Ni Doc Chiyuto! No Vote For This Councilor!”

Batay naman sa rekord ni Ocampo, ito naman ang post ng suspek kontra sa kanya: “Dapat Sakto ang Plano Sang Apat (4) Ka City Councilor! Nga Naga-Sira Kay Doc Chiyuto Pero Ini Sila Naga Pay-in, Pay-out Kag Ila Pamilya Mga Wala Huya!”

Ang mga nasabing post ay nagdulot umano ng kasiraan sa dalawang konsehal.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *