Categories: Capiz News

19-ANYOS NA BABAE, NAGBIGTI-PATAY SA ROXAS CITY

Patay ang isang 19-anyos na babae matapos magbigti sa Green Earth Subdivision, Barangay Mongpong, Roxas City.

Napag-alaman na kaka-birthday lang kamakailan ng 19-anyos na dalaga.

Batay sa inisyal na report, umuwi ang mga magulang nito mula sa trabaho nang nagtaka sila matapos hindi sumasagot ang biktima para buksan ang pinto ng kanilang bahay.Sapilitang pumasok ang mag-asawa at binuksan ang ilaw ng bahay.

Laking gulat ng mga ito na nakabigti na sa loob ng bahay ang kanilang anak.Agad na inalis ng ama sa pagkakabigti ang dalaga subalit huli na ang lahat dahil wala nang buhay ang dalaga.

Hindi pa matukoy kung ano ang sanhi ng pagpapakamatay ng babae.

Nag-iimbestiga narin ang kapulisan sa insidente.

Share
Darwin Tapayan

Recent Posts

  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

2 days ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

2 days ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

2 days ago
  • Aklan News

1.5 hektaryang lupain, nilamon ng grassfire sa Cupang, Banga

SUMILKAB ang malawak na grassfire nitong Huwebes sa bahagi ng Cupang, Banga. Pasado alas-11:16 ng…

5 days ago
  • Aklan News

Mag-amang SLI tiklo sa drug buy bust ops sa Kalibo

Timbog sa isinagawang drug buy bust operation ng mga operatiba ang mag-amang tulak ng iligal…

1 week ago