Connect with us

Capiz News

18-ANYOS NA LALAKI PATAY MATAPOS BUMANGGA ANG MOTORSIKLO SA PICK-UP SA PANAY, CAPIZ

Published

on

Patay ang isang lalaki sa bispera ng Bagong Taon matapos bumangga ang menamaneho nitong motorsiklo sa isang multicab pick-up sa Brgy. Anhawon, Panay dakong alas-10:43 ng gabi.

Kinilala ang namatay na driver ng motorsiklo na si Adrian Anoche y Dadivas, 18-anyos, residente ng Brgy. Bahit, Panay, Capiz.

Kinilala naman ang driver ng multicab pick-up na si Arnel Buencuchillo y Siason, 29, residente ng Brgy. Bato, Panay Capiz.

Ayon sa imbestigasyon ng kapulisan, mula sa Roxas City ang pick-up at pabalik na sa kanilang opisina sa Brgy. Anhawon nang maganap ang aksidente.

Papaliko na sana sa opisina ng MN Builders Realty ang sasakyan nang aksidente itong nabangga ng kasunod na motorsiklo.

Nagtamo ng sugat sa magkaibang bahagi ng katawan ang mga driver. Isinugod ang mga ito ng Panay Emergency Rescue Team sa The Health Centrum Hospital Roxas City pero dead on arrival ang driver ng motorsiklo.

Nasa kostudiya naman ng kapulisan ang driver ng pick-up habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Advertisement

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *