Connect with us

Capiz News

17 anyos na lalaki na nagnakaw ng motorsiklo, huli matapos madisgrasya

Published

on

Nahuli ang isang 17-anyos na lalaki matapos madisgrasya sa kaniyang ninakaw na motorsiklo sa bayan ng Panitan, Capiz.

Nabatid na mula sa Brgy. Cogon ang menor de edad nang madaanan nito ang isang motorsiklo na nakapark sa labas ng Laguda Funeral Homes sa Brgy. Bailan sa naturang bayan.


Sinakyan ng suspek ang motorsiklo pabalik sana ng Brgy. Cogon subalit nadisgrasya ito.

Nagtamo ng sugat sa iba-ibang bahagi ng katawan ang suspek. Mag-isa siyang nagtungo sa ospital ng Bailan District Hospital para gamotin.

Napag-alaman ng guwardiya ng ospital na hindi siya ang may-ari ng motorsiklo kundi ang SK Chairman ng nasabing barangay.

Matapos mabigyang ng kaukulang lunas, dinala sa Pontevedra Municipal Police Station para sa kaukulang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *