Connect with us

Capiz News

16 panabong na manok, ninakaw sa isang game farm sa Dao, Capiz

Published

on

Ninakaw ang 16 panabong na manok sa isang game farm sa Brgy. Duyoc, Dao, Capiz.

Kinilala ang may-ari na si Atty. Noel Empleo, 50-anyos, residente ng Brgy. Tinaytayan, Dumarao, Capiz.

Batay sa imbestigasyon ng Dao PNP, nagpapakain umano ng mga manok ang mga bantay nang kanilang mapag-alaman na kulang na ang mga ito.

Pinaniniwalaang pinunit ng mga suspek ang net bilang bakod sa likod na bahagi ng game farm para sila ay makapasok at makapagnakaw.

Nabatid na may CCTV sa lugar pero hindi gumagana ang mga ito. Ilang beses narin umanong ninakawan ang nasabing game farm.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng kapulisan sa insidente.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *