Connect with us

Capiz News

14-anyos na babae, tinutukan ng kutsilyo ng isang tricycle driver

Published

on

Maswerteng nakaligtas ang isang 14-anyos sa umano’y planong panggagahasa sa kaniya ng isang tricycle driver dito sa Roxas City.

Umiiyak na dumulog sa Roxas City PNP Station ang dalagita para iparekord ang insidente.

Salaysay ng dalaga, dakong alas-8:00 ng gabi nitong Huwebes, sumakay siya sa isang kolorum na tricycle para makauwi sa kanila.

Bigla nalang umanong huminto ang tricycle at tinutukan siya ng kutsilyo ng hindi nakikilalang driver at pinahiran umano siya ng likido sa kaniyang mukha para siya ay manghina.

Ayon sa dalaga, may plano ang driver na siya ay pagsamantalan.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *