Connect with us

Capiz News

11 katao na umano’y mga suporter ng mga komunista sa Tapaz, humarap sa mga otoridad

Published

on

Humarap sa mga otoridad sa bayan ng Tapaz ang 11 katao na sinasabing mga taga-suporta ng communist terrorist group (CTG) nitong Miyerkoles.

Nilinaw nina alyas Nene, alyas Totong, alyas Jun, alyas Joe, alyas Almer, alyas Bata, alyas Allan, alyas Nonoy, alyas Dan, alyas Max, at alyas Dodoy, ng Brgy. Bungsuan na sila ay hindi sumusuporta sa mga rebeldeng grupo.

Sinabi ni Punong Barangay Melchor Dampog na mga magsasaka ang mga ito at hindi sila sangkot sa mga rebelde.

Sa programang ‘Balik loob 2021’ ng Dumarao PNP sa pagpamuno ni PCpt. Jhon Almarino Bonior, nangako ang mga ito na susuportahan sila sa gobyerno para sugpuin ang mga komunista o mga rebelde sa kanilang lugar.

Presente sa nasabing programa sina PCol. Laudemer Llaneta, CPPO Provincial Director, PLt. Col. Ferjen Turred, Force Commander 2nd Capiz PMFC, at Lt. Col. Joseph Jason Estrada ng 12IB 31D.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *