Connect with us

Business

“We’re actively monitoring the SLP” Operator ng Axie Infinity, hindi naka-rehistro sa BSP

Published

on

By

Axie infinity not registered in BSP

Hindi naka-rehistro sa Bangko Sentral ng Pilipinas ang Sky Mavis, ang nag-develop ng Axie Infinity, kahit ang isinasagawa nilang transaction ay nasa ilalim ng operators of payment systems (OPS), kung saan ni-reregulate ito ng central bank.

Sumikat ang Axie Infinity dahil sa play-to-earn scheme nito, na kung saan ang mga players ay pwedeng mag-breed, battle at mag-trade ng digital pets o mga Axies. Pagkatapos, ni-rereward ang mga users ng Small Love Potions (SLPs) na maari nilang i-cash out o kaya’y gamitin upang makapag-breed ng mga bagong Axies.

“Sky Mavis, the developer of the online game Axie Infinity, is not licensed/registered with the Bangko Sentral ng Pilipinas” pahayag ng BSP sa isang email interview, batay sa ulat ng GMA News Online.

Ayon sa BSP, ang pagpalit ng mga digital units na gingamit bilang in-game tokens tulad ng SLPs, ay hindi kabilang sa kanilang scope sa ilalim ng Guidelines for Virtual Asset Service Providers at ang regulatory, naka-pokus sa pag-palit ng fiat money sa mga virtual assests.

“However, we’re also actively monitoring the level of merchant acceptance of SLP as a form of payment for goods/services, which may fall within the activities of an Operator of Payment System,” sabi ng BSP.

Hindi naman nagbigay ng karagdagang paliwanag ang central bank patungkol sa monitoring efforts na isinasagawa nila, at kung ang nasabing firm ay qualified ba bilang OPS.

Batay sa BSP ang OPS ay “any person or business organization who provides clearing or settlement services in a payment system, or defines, prescribes, controls, or maintains the operational framework of the system.”

Advertisement

Sa ilalim ng National Payment Systems Act (NPSA), ang BSP ay binigyan ng awtoridad sa lahat ng payment systems sa Pilipinas, kabilang na dito ang supervisory at regulatory powers.

Binalaan din nila ang publiko sa paggamit ng mga virtual assets (VAs) tulad ng mga non-fungible tokens, lalo na at dumarami ang mga indibidwal at institusyon na nakikisabay sa digital wave.

“The price volatility associated with VAs presents enormous risks which might result in financial loss. If you plan to engage in these play-to-earn online games, make sure that you are knowledgeable in the basics of how the game works and more importantly, how to secure your money,” sabi nito.

“Lastly, the public should be wary of the accompanying challenges in enforcing legal recourse against companies registered and operating outside the country,” dagdag nito.

Noong nakaraan, pinahayag ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na ang kita mula sa Axie Infinity ay subject sa income taxes, maliban sa may yearly incomes na hindi lalagpas sa P250,000.

(Source: By JON VIKTOR D. CABUENAS, GMA News)

Advertisement

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *