Connect with us

Business

Resolusyon na maaari pang mag-operate ang ABS-CBN, iminungkahi

Published

on

Image from the web.

Iminungkahi ng isang mambabatas ang paglalabas ng isang joint concurrent resolution na magpapatunay o kikilala sa pagpapatuloy ng operasyon ng ABS-CBN habang nakabinbin sa Kongreso ang mga aplikasyon para sa franchise renewal nito.

Kasunod ito ng panawagan ni Senator Grace Poe na dapat ay ilagay sa papel ang pronouncement ng mga kasamahan na maaari pa ring mag-operate ang ABS-CBN kahit mapaso na ang prangkisa nito basta’t ongoing pa ang18th Congress.


Ayon kay Ako Bicol Partylist Rep. Alfredo Garbin Jr., sang-ayon din siya sa naging mga pahayag nina House Speaker Alan Peter Cayetano at Senate President Vicente Sotto III at iba pang kasamahan sa Kongreso na hindi naman agad magsasara ang media network kahit mapaso ang prangkisa nito sa March 30 dahil nakapag-sumite naman ito ng application sa Kongreso.

Maigi aniya kung mailalagay ito sa isang pormal na kasulatan lalo’t hindi ito ang unang pagkakataon na mayroong prangkisa na naabutan ng expiration habang nakabinbin ang aplikasyon sa Kongreso.

Paraan din aniya ito upang mapawi ang pangamba ng mga empleyado ng media network na maaapektuhan sakaling tumigil nga sa operasyon ang kompanya.

Matitiyak rin nito sa publiko na hindi magkakaroon ng vacuum sa freedom  of expression at press freedom dahil lamang sa expiration ng prangkisa ng media network.

SOURCE: radyopilipinas

Position: Production staff Years/background in Media works: 5 years Why chose this profession:It’s a zeal for reaching out through photography, communicating whether written and spoken. Principle in life: Proverbs 3:5-6: “Trust in the LORD with all thine heart; & lean not unto thine own understanding. In all thy ways acknowledge Him, & He shall direct thy paths.”

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *