Connect with us

Business

Presyo ng petrolyo, muling tataas ngayong Martes Setyembre 14, 2021

Published

on

Presyo ng langis

Tataas muli ang presyo ng petrolyo ng mga oil companies ngayong Martes, ito na ang pangatlong sunud-sunod na linggo na tumaas ang presyo ng petrolyo.

Sa magkahiwalay na advisories, sinabi ng Caltex, Petro Gazz, Phoenix Petroleum, Seaoil, at Shell na itataas nila ang presyo ng gasolina ng P0.40 per liter, at ang presyo ng diesel ng P0.35 per liter.

Habang ang Cleanfuel naman ay mag-tataas ng presyo ng P0.30 per liter sa kanilang gasolina, at pati na rin sa diesel.

Samantala, ayon sa Caltex, Seaoil, at Shell, tataas ng P0.15 per liter ang presyo ng kanilang kerosense.

Samantala, ang year-to-date presyo ng gasolina ay may net increase ng P13.35 per liter, P10.90 per liter naman para sa diesel, at P8.70 per liter ang kerosene, ayon sa Department of Energy (DOE).

(Source: PNA)