Connect with us

Business

Pang-walong sunod-sunod na pagtaas ng petrolyo, ipapatupad simula bukas Pebrero 22

Published

on

By

Presyo ng langis

Ayon sa projection ng Unioil Petroleum Philippines, inaasahang muling tataas ang presyo ng petrolyo ngayong linggo.

Sa kanilang fuel price forecasts para sa Pebrero 22 hanggang 28, ang halaga ng diesel bawat litro ay maaring tumaas ng P0.60 hanggang P0.70.

Habang ang presyo ng gasolina, ay maaring tataas ng P0.80 hanggang P0.90 bawat litro.

Ito na ang ika-walong sunod-sunod na linggo na patuloy tumataas ang presyo ng mga petroleum products.

Ang mga oil companies ay kadalasang pinapahayag ang mga price adjustments tuwing Lunes at ipapatupad ito sa susunod na araw.

Noong Pebrero 15, pinatupad ng mga oil firms ang big-time oil price hike sa mga petroleum products.

Sa magkahiwalay na advisory, sinabi ng Chevron Philippines Inc. (Caltex), Flying V, Petron Corp., Pilipinas Shell Petroleum Corp., at Seaoil Philippines Inc. na itataas nila ang presyo ng gasolina ng P1.20, ang diesel ng P1.05, at ang kerosene ng P0.65 bawat litro.

Ito rin ang presyo na ipapatupad ng Cleanfuel, Petro Gazz, at Unioil Petroleum Philippines Inc., maliban sa kerosene.

Simula ng taong 2022, patuloy na tumataas ang presyo ng mga petrolyo.

Batay kay Oil industry Management Bureau Director Rino Abad, patuloy na tumataas ang halaga ng petrolyo dahil sa “Supply chain disruptions, with the global supply down.”

Ayon sa data ng Department of Energy, pinapakita nito na ang year-to-year adjustments ay may kabuuang net increase ng P7.95 bawat litro para sa gasolina at P10.20 bawat litro sa diesel.

(GMA)