Connect with us

Business

MORE POWER, PINURI NG MGA BIGATING BUSINESSMEN SA VISAYAS

Published

on

Pinahanga ng MORE Power ang mga negosyante sa Visayas region matapos nitong mapaunlad ang electric distribution sa lungsod ng Iloilo sa loob lamang ng mahigit dalawang taon.

Sa ginanap na ika 31st Visayas Area Business Conference ng Philippine Chamber of Commerce and Industry sa Ormoc City, Leyte nitong Biyernes na may temang “From setbacks to comebacks: Getting business back on track,” ibinahagi ni Mr. Roel Castro, President at CEO ng MORE Power ang mga hakbang ng distribution utility kung paano ito naging halimbawa sa tema ng conference na kung saan nakatuon para sa sustainable energy supply para sa cost-effective at efficient energization.

Sa harap ng isang libong delegates, isinalaysay ni Castro ang mga hamon at hakbang na ginawa nila para baguhin hindi lamang ang sistema kundi ang serbisyo para sa mga konsyumer.

Inilahad din ni Castro kung paano naisagawa ng MORE Power ang ipababa ang mataas na system loss, pinalitan ang mga sirang pasilidad, delikadong overloaded substations at ang pagpababa ng mataas ng presyo ng kuryente.

Ipinunto din ng CEO na walang ‘magic’ na ginawa para maranasan ang tinatamasa ngayon ng mga konsyumer sa Iloilo City.

“There was no magic but there were five things that we think we have – first is the financial capability because to rehabilitate the facilities, increase capacity and reliability, prepare for automation via a digital platform, and continuously train personnel, we need to invest and we invested over P1.3 billion so far”, paliwanag ni Castro.

“The second critical aspect is technical capability. We recruited personnel with a high level of integrity and technical expertise and employed reputable contractors with long technical experience. Next is to have an innovative mindset. Another important factor is to be socially responsible which I think is second nature to MORE Power,” saad pa nito.

Advertisement

“We did this by optimizing the use of renewable energy and non-indexed sources, by consciously looking for facility and process solutions that would bring less destruction to the environment, and by constantly inculcating the benefits of sustainability to employees and the other stakeholders,” pahayag ni Castro.

Nagsilbing panelists at reactors sa nasabing event sina: Leyte 4th district congressman Richard Gomez, G. Carlos Vega ng First Gen Corporation, G. Quintin Pastrana ng WEnergy Power Pilipinas, at G. Felix Taguiam ng Decoline Inc.

Ikinagalak naman ni Atty. Jobert Peñaflorida, Regional Governor of PCCI Region 6, ang naging turnout ng business conference.

“We are truly proud of Mr. Roel Castro’s presentation on what MORE Power has accomplished for Iloilo City in just a little over two years, they have greatly improved the facilities and services as well as significantly decreased the cost of electricity and they did it all during the pandemic,” pagdidiin ni Peñaflorida.

“More Power’s strides in the power distribution sector are reflective of the continuing efforts of Iloilo to harness public-private partnerships as we all aim to recover together,” saad nito.

Inilarawan naman ni Iloilo PCCI President Mr. Fulbert Woo ang MORE Power sa Iloilo bilang huwaran lalo na sa ‘Corporate Social Responsibility efforts’ ng kompanya.

Advertisement

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.