Connect with us

Business

Inaasahang tataas muli ang presyo ng petrolyo ngayong linggo

Published

on

Presyo ng langis

Inaasahan na tataas nanaman ang presyo ng petrolyo ngayong linggo.

Ayon sa fuel forecast ng Unioil Petroleum Philippines, para sa Disyembre 14 – 20, ang halaga ng diesel ay nakikitang tataas ng P1.30 hanggang P1.40 bawat litro.

Habang, inaasahang tataas ang presyo ng gasolina ng P1.40 hanggang P1.50 bawat litro.

Ito ang unang linggo na tataas muli ang presyo kasunod ng ikalimang magkakasunod na linggo na rollback ng gasolina at ikatlong linggo ng pagbaba ng presyo ng diesel.

Noong nakaraang linggo, isinatupad ng mga oil companies ang pagbaba ng halaga ng mga fuel products. Bumaba ng P2.40 bawat litro ang gasolina, habang bumaba naman ng P2.65 bawat litro ang presyo ng diesel.

Samantala, ang presyo ng kerosene ay bumaba rin hanggang P2.70 bawat litro.