Connect with us

Business

Inaasahang aabot sa P3.00 ang pag-taas ng petrolyo sa susunod na linggo

Published

on

By

Presyo ng langis

Inaasahang may muling malaking pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo, at hanggang ngayon, wala pa ring malinaw na araw kung kailan ilalabas ng gobyerno ang ayuda para sa mga tsuper at delivery riders.

Sa unang tatlong araw ng trading sa international market, halos P3.00 na ang itinaas ng diesel at mahigit P2.00 naman ang nimahal sa gasolina at kerosene.

Sinabi ng Department of Energy (DOE) na kung aabutin ng P3.00 ang dagdag-presyo sa petrolyo sa susunod na linggo, pag-aaralan umano ng Department kung mag-rerequest ba sila sa mga oil companies na bawasan ito.

Sa Baguio City, nasa P75.00 ang pinakamahal na gasolina at P63.00 naman sa diesel.

Nasa P75 din ang presyo ng gasolina sa ilang lugar sa Masbate.

Di hamak na mas mahal ang petrolyo sa Boracay Island dahil halos P100 na ang gasolina, bagay na sinita ng DOE.

Samantala, wala pang ideya ang mga tsuper ng pampublikong transportasyon at mga delivery rider kung kailan nila matatanggap ang ayudang fuel card ng gobyerno.

Advertisement

Ngunit ayon sa Department of Budget and Management (DBM), handa na nilang ilabas ang P2.5 bilyon pang-ayuda.

Ang problema umano ay walang guidelines ang Department of Transportation (DOTr).

“‘Yun (guidelines) ang hinihintay namin ngayon. Hopefully matapos ng DOTr ‘yan,” sinabi ni Tine Rosa Canda, officer-in-charge ng DBM, batay sa ulat ng ABS-CBN.

Wala pang listahan ng mga bus, TNVS at tricycle drivers at delivery riders na pasok sa ayuda.

Batay naman sa Phillipine National Taxi Operators Association, hindi sila hiningan ng listahan ng mga qualified sa P6,500 fuel card.

Sa ilalim ng kasalukuyang batas, walang kapangyarihan ang gobyerno na ipababa ang presyuhan o pigilan ang walang tigil na pagtaas ng presyo ng petrolyo.

(ABS-CBN)

Advertisement

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.