Connect with us

Business

Automatic Centre, pinaka-matandang electronics retail store sa bansa magsasara na

Published

on

By

Automatic centre closing

Ang Automatic Centre, ang pinaka-matandang appliance and electronics retail store chain sa Pilipinas, ay magsasara na pagdating Oktubre 10, dahil sa mga hamon na dinala ng pandemiya.

“The COVID-19 pandemic has caused tremendous challenges on our business and it is with much regret and trepidation that we share this news with you today,” sinabi ni Automatic Centre president at chief executive officer na si Geoffrey Lim sa isang sulat na pinadala niya sa kanyang mga business partners, nitong Miyerkules.

Tiniyak ni Lim sa kanilang mga business partners na tutuparin ng kumpanya ang kanilang obligasyon and “to work closely” upang magkaroon ng “smooth transition ang closing process,” ito’y base sa ulat ng Rappler.

Ang mga detalye patungkol sa seperation pay ng mga manggagawa at iba pang shutdown matters, ay hindi nabanggit sa sulat.

Dagdag pa ng CEO na ang pamilyang Lim ay naghahanap ng mga “outside parties” na interesado na gamitin o i-ampon ang pangalang Automatic Centre, kung saan mahigit 70 taon nang naririto.

Taong 1948 itinaguyod ang Automatic Centre ni Benito Lim, at mayroong 20 stores sa Metro Manila.

(Source: Rappler.com)

Advertisement

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *