Business
MAY ARI NG TESLA NA SI ELON MUSK, TINANGHAL NA PINAKAMAYAMANG TAO SA BUONG MUNDO

Published
2 weeks agoon

Naungusan ng may-ari at CEO ng Tesla Inc. na si Elon Musk si Jeff Bezos bilang pinakamayamang tao sa buong mundo, ayon sa Bloomberg Billionaires Index ngayong 2021 . Mula taong 2017 hanggang 2020, si Bezos na siyang nagtatag ng Amazon, ang dating kinikilalang pinakamayaman.
Pumalo sa $195 billion ang net worth ni Musk, kumpara sa yaman ni Bezos na tinatayang nasa $185 billion.
Sinasabing hindi malalagpasan ni Musk ang yaman ni Bezos kung hindi dahil sa pagiging pilantropo ng huli. Umaabot sa $680 million ang kabuuang donasyong ipinalabas ni Bezos.
Sa kabila ng balitang ito, simple lamang ang naging reaksyon ng 49 taong gulang at South African-born entrepreneur na si Musk dito, na idinaan niya sa Twitter. Ani Musk, “How strange.” Sinundan niya ito ng isa pang post na “Well, back to work.”
Source: https://www.nytimes.com
You may like
-
Lungsod ng Iloilo, itinanghal bilang ‘Most Business-Friendly LGU outside of Metro Manila’
-
P15k livelihood aid para sa mga small-time vendors at store owners, nirekomenda ng DSWD
-
JOLLIBEE, MAGSASARADO NG 255 STORES BUNSOD NG BILYONG LUGI
-
San Miguel Corp. Chairman Eduardo ‘Danding’ Cojuangco, pumanaw na
-
BUSSINESS HOURS SA AKLAN, PAHIHINTULUTAN MULA 8:00 NG UMAGA HANGGANG 6:00 NG GABI
-
San Miguel Corporation, gagawa ng 70% alcohol para ipamahagi ng libre