Connect with us

Business

Chinese company, namigay ng 4,116 brand new cars sa mga empleyado

Published

on

Photo| Lucisphilippines.com

Naging laman ng balita sa iba’t-ibang bansa ang isang Chinese company na namigay ng 4,116 brand new cars sa kanilang mga empleyado.

Nitong October 1, ipinagdiwang ng Jiangxi West Dajiu Iron & Steel Corporation ang tagumpay ng kompanya kung saan namigay sila ng mga sasakyan sa mga empleyado bilang gantimpala sa pagpupursige na maabot ang kanilang yearly target.

Naiulat na patuloy na tumataas ang kita ng kumpanya sa huling limang taong operasyon nito kaya’t nais na pasalamatan ng management ang kanilang mgastaff.

May 4,116 bagong sasakyan ang ipinamahagi ng kumpanya na may kabuuang halagang umaabot sa 500 million yuan ($74 million).

Ang Jianxi company na rin ang umako sa gastusin ng license plates, limang taong insurance at pati na ang buwis.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *