Connect with us

Business

Matagumpay na test drive ng kauna-unahang ‘manned flying car’, ipinasilip ng isang Japanese company

Published

on

Photo| editioncnn.com

Inanunsyo ng Sky Drive Inc. ang matagumpay na pag-test drive ng kauna-unahang manned flying car sa Japanese history matapos ang public demonstration nitong August 25.

Tinawag na SD-03 ang sasakyan na minaneho ng isang piloto na nag-take off at umikot-ikot sa fiels sa loob ng mga apat na minuto

Nakaantabay naman ang mga technical staff members na naka-monitor sa kondisyon ng aircraft sa buong test.

“We are extremely excited to have achieved Japan’s first-ever manned flight of a flying car in the two years since we founded SkyDrive… with the goal of commercializing such aircraft,” saad ni CEO Tomohiro Fukuzawa.

Umaasa ang kompanya na magiging parte ng normal na pamumuhay ang flying car at hindi lang commodity.

Marami pang daraanang test ang sasakyan para masiguro na ligtas ito at naaabot ang industry standards.

Balak na ilunsad ng kompanya ang SD-03 sa taong 2023.

 

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *