Connect with us

Business

Tax credit para sa mga middle income earners, iginiit sa kamara

Published

on

Photo | Philippine Star

Umapela si Assistant House Majority Leader at ACT-CIS Partylist Representative Niña Taduran sa pamahalaan na magbigay ng tax credit sa mga middle income earners na apektado rin ng krisis ng COVID-19.

Giit ni Taduran, bunsod ng pagbagal ng ekonomiya at pag-hinto sa operasyon at trabaho ng maliliit na negosyo, marami sa mga middle income families ang mas malaki ang gastos sa ngayon kumpara sa kanilang makakayanan

Panawagan ng kongresista sa pamahalaan, maaari aniya na ang halaga ng tax credit na ibibigay ay katumbas ng P5000-P8000 na subsidiya sa ilalim ng Social Amelioration Program.

“I call on the government to extend financial assistance to middle income earners via a tax credit equivalent to the amount distributed to poor families under the social amelioration program. Having to pay ₱5, 000 to ₱8, 000 less in taxes means ₱5, 000 to ₱8, 000 more that they can use for their personal needs,” saad pa ng mambabatas.

Ayon sa kanya, hindi mangangailangan na maglabas ng dagdag na pondo ang pamahalaan para dito.

“Bagamat maaaring mawalan ng kita ang pamahalaan dahil dito, ay makadaragdag naman ito sa purchasing power ng middle class families na makakatulong sa patuloy na pagtakbo ng ekonomiya ng bansa,” ani Taduran.

Source: radyopilipinas

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *