Connect with us

Business

San Miguel Corporation, gagawa ng 70% alcohol para ipamahagi ng libre

Published

on

PHOTO BY YUMMIE DINGDING/Sam Muguel Corp logo

Sa ngayon dahil sa kakapusan ng suplay ng alcohol, sinabi ni San Miguel Corporation President at COO Ramon Ang na gagawa ang kumpanya ng 70 percent ethyl alcohol sa isang local na pasilidad nito.

Ang mga gagawing alcohol ay ipamamahagi sa mga publiko sa pamamagitan ng lokal na pamahalaan.

Nagbibigay din ng donasyon ang San Miguel ng kanilang brand ng disinfectant powder sa mga LGU.

Ayon kay Ang, kumukuha sila ng clearance sa mga ahensya ng pamahalaan para masimulan ang produksyon.

Ang Ginebra San Miguel Incorporation ay nagsimula nang gumawa ng alcohol noong weekend na gagamitin sa kanilang pasilidad at magagamit ng libu-libong empleyado nito.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *