Business
Cebu Pac, babawasan ang mga direct flight sa pagitan ng Pilipinas, China, Macau, Hong Kong

Published
1 year agoon

Babawasan ng Cebu Pacific ang kanilang direcr flights sa pagitan ng Pilipinas, China, Macau at Hong Kong.
Ito ay kasunod ng kumpirmasyon ng Department of Health (DOH) na isang 38-anyos na babaeng Chinese ang nagpositibo sa 2019-novel coronavirus sa bansa.
Sa inilabas na abiso, sinabi ng airline company na babawasan ang mga biyahe simula February 5 hanggang March 29.
Ayon sa Cebu Pacific, naabisuhan ang mga apektadong pasahero ng kanselasyon ng biyahe sa pamamagitan ng ibinigay na contact details.
Pinayuhan din ang mga pasahero na tignan ang “Manage Booking” portal ng official website ng airline company.
Maaari rin anilang magpa-rebook, refund o ilagay ang halaga ng ticket sa Travel Fund para sa susunod na paggamit nito.
Via/Source: radyo.inquirer
You may like
-
P25 NA PAMASAHE SA EROPLANO PATUNGO SA AKLAN AT IBA PANG DESTINASYON SA BANSA, INANUNSYO NG CEBU PACIFIC
-
CEBU PACIFIC, LILIMITAHAN NA ANG BAGGAGE SIZE; MANININGIL NG DAGDAG BAYAD PARA SA OVERSIZED BAGS
-
10 PINAKAMAYAYAMANG PINOY, KILALANIN
-
9 NA MINERO SA SUMABOG NA MINAHAN SA CHINA, PATAY; 11 NAILIGTAS
-
IDOL SHOPPING NETWORK NI RAFFY TULFO, BAGONG KAKUMPETENSYA NG SHOPPEE AT LAZADA
-
Ikalawang Pinoy nasagip mula sa tumaob na cattle ship, nakilala na