Connect with us

Business

PANUKALANG DAGDAG NA BUWIS SA ALCOHOL, E-CIGARETTE, ISA NANG GANAP NA BATAS

Published

on

Photos from the web

Nilagdaan na ni President Rodrigo Duterte ang panukala na nagdadagdag sa excise tax sa mga nakalalasing na inumin at e-cigarettes.

Ito ang kinumpirma ni Executive Secretary Salvador Medialdea kagabi.

Sa ilalim ng batas, simula ngayong 2020, ang sin tax sa iba’t ibang klase ng alcohol ay maglalaro sa ₱35 hanggang ₱50, habang nasa ₱25 to ₱45 naman ang mga e- cigarette, at tataas pa hanggang sa ika-apat na taong implementasyon nito.

Inaasahan na sa pamamagitan ng batas na ito, makakapag-generate ng higit ₱20 billion ang pamahalaan, kung saan ilang bahagi nito ay gagamitin bilang karagdagang pondo para sa Universal Health Care program ng gobyerno.

Matatandaan na December 2019, nang pumasa sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang Senate Bill no. 1074, na una na ring sinertipikahan ng Pangulo bilang urgent bill.

By: Racquel Bayan

Source: radyopilipinas

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *