Connect with us

Business

Smart Tower sa Makati, target mabenta ng PLDT

Published

on

Naghahanap ng buyer ang Telco giant PLDT Inc ni Manny V Pangilinan para sa ilan nitong mga asset, kasama na ang building nito sa Ayala Ave. sa Makati City.Ads by AdAsia

Para sa nasabing building, nais nitong makakuha ng hindi bababa sa P5-billion, at ang makokolekta dito ay gagamitin para sa expansion initiative ng PLDT.

“We’re selling that and three other minor properties,” ayon kay Pangilinan sa pagbebenta ng 36-storey building.

Samantala, pinag-iisipan din ng PLDT na mabenta ang natitira nitong shares sa Rocket Internet, isang Berlin-based firm na gumagawa ng mga online startup.

Sa kasalukuyan, may 1.9 million share ang PLDT sa Rocket Internet na may halagang aabot sa P2.5-billion.

Unang nagpundar ang telco sa nasabing firm noong 2014 sa 10-percent stake o P333-million shares.

Noong nakaraang taon ay nagtala ng P78.4-billion spending budget ang PLDT, higit na mas mataas ng P20-billion noong 2018.

Article: ABANTE

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *