Connect with us

Business

DOE, nagpatupad ng 15-day price freeze sa kerosene, LPG sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Ursula

Published

on

Nagpatupad ang Department of Energy (DOE) ng labinlimang araw na price freeze sa kerosene at liquefied petroleum gas (LPG) sa mga lugar na lubhang sinalanta ng Bagyong Ursula.

Sa inilabas na statement ng DOE, binigyang-diin nito na ang mga lugar na isinailalim sa state of calamity ang makikinabang sa price freeze.

Napapanahon ang implementasyon nito lalo’t sa pagpasok ng bagong taon ay tumaas agad ng P7.55 ang presyo kada kilo ng LPG o P83 kada tangke.

Habang 35 centavos naman ang itinaas sa kada litro ng kerosene na nagagamit bilang alternatibo sa mga lugar na wala pang suplay ng kuryente.

Nakatanggap ng ulat ang DOE mula sa Oil Industry Management Bureau, na bukod sa suplay ng kuryente ay napinsala rin ang oil facilities sa Visayas.

Gayunman, minor damages lang ang natamo ng ilang gasolinahan tulad ng Jetti, Shell, PetroGazz at Total, habang hindi naman operational ang limang istasyon ng Phoenix Petroleum sa Roxas at Tacloban City sa Leyte.

Inanunsyo naman ng Seaoil na walang commercial power ang Babatngon, Leyte depot nito simula pa noong December 24.

Pero tiniyak ng oil companies na sapat ang kanilang suplay ng langis dahil walang pinsalang naitala sa oil terminals at depot.

By: Hajji Kaamiño

Source: radyopilipinas

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *