Connect with us

Business

KASO NG ASF, BUMABABA NA – DA

Published

on

Image / MGN

Masayang ibinalita ng Department of Agriculture (DA) na bumababa na ang bilang ng kaso ng African Swine Fever (ASF) sa mga baboy sa buong bansa.

Sa Year End Press Conference ni Secretary William Dar, maituturing na umanong kontrolado ng pamahalaan ang kaso ng ASF lalo na sa Luzon.

Umabot sa P4-na milyong piso ang kabuuang nalugi sa mga hog raisers mula ng magkaroon ng ASF sa bansa noong kalagitnaan ng buwan ng Agosto hanggang sa kasalukuyan.

Dahil dito, naglabas na rin ang ahensya ng kabuuang P80-milyong piso at karagdagang P1-bilyong piso mula kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa ayuda ng mga magbababoy kung nasaan nakatanggap ng tig-P5,000 ang mga ito.

May ginawa na ring zoning plan ang DA at mga Local Government Units upang mabilis matukoy ang mga lugar na mayroon pa ring ASF.

Sa kasalukyan, nananatili pa ring ASF Free ang Visayas, Mindanao at MIMAROPA Region habang protected zone ang Regions 1, 2 at 3, survival zone naman ang ilang probinsya ng Region 3 at Region 4A.

Bukod tanging ang Bulacan, Pampanga, Quezon City at CAMANAVA area ang nasa red zone o may mga kaso pa rin ng ASF.

By Michael Rogas

Source: radyopilipinas

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *