Connect with us

Business

Pagbabayad ng kontribusyon, utang sa SSS, mas lalo pang pinadali

Published

on

Photo form the web

Nagdagdag na naman ng mas mabilis na paraan ng pagbabayad ang Social Security System (SSS) para sa kontribusyon at pagbabayad ng utang ng mga myembro nito.

Bukas ay nakatakdang ilunsad ng SSS ang online payment sa pamamagitan ng PayMaya.

Ang PayMaya ay isang app online payment transaction kung saan mas mabilis ng mababayaran ang iyong kontribusyon o loan payables kahit saang sulok ka ng mundo.

Hindi mo na kakailanganing magtungo saang mga payment centers ng SSS para magbayad ng iyong kontribusyon.

Ginawa ng SSS ang ganitong mas mabilis na online payment transaction upang on time na ring makakapagbigay ng kanilang kontribusyon ang sinumang myembro nito. – Michael Rogas / radyopilipinas.ph

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *