Connect with us

Business

BALIKBAYAN BOXES ON TIME ANG PAGLABAS AYON SA BOC

Published

on

Manila Bulletin File Photo

Mas kaunti na ang nagiging problema ngayon pagdating sa Balikbayan boxes lalo pa’t panahon ng Kapaskuhan.

Ayon kay Atty. Jet Maronilla, assistant commissioner ng Bureau of Customs, ito ay bunsod ng kanilang bagong sistema kung saan maari nang ma-i-track ang Balikbayan box sa pamamagitan ng kanilang website.

Paliwanag ng opisyal, kailangan lamang na ilagay sa kanilang website ang tracking number na ibibigay ng kanilang forwarder at maari nang ma-monitor ng nagpadala ang kanyang Balikbayan box, realtime.

Bagamat may ilang mga issues pa rin silang natatanggap, nilinaw nito na wala silang delayed releases kahit pa holiday season ngayon kung saan karamihan sa ating OFWs ay nagpapadala sa kanilang mahal sa buhay sa Pilipinas.

Sa oras aniya na magkaron ng problema ang sino man ay maaring tumawag sa 8484 para sa kanilang Customer Care para maasikaso ang nasabing abala.

By: Lorenz Francis Tanjoco

Source: radyopilipinas

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *