Business
PAG-AMIYENDA SA ECONOMIC PROVISION NG SALIGANG BATAS, ‘DI PAGSUKO NG SOBERANYA NG PILIPINAS

Published
1 year agoon

Nanindigan si House Committee on Constitutional Amendments Chair at Cagayan de Oro Representative Rufus Rodriguez na hindi malalagay sa alanganin nag soberanya ng Pilipinas sa pag-amiyenda ng economic provision ng Saligang Batas.
Kasunod ito ng pangamba ng Makabayan bloc sa pagpasok ng mga foreign investor sa bansa.
Ani Rodriguez, Pilipinas ang may pinakamahigpit na konstitusyon sa Timog Silangan Asya.
Dagdag pa niya ang ating mga karatig bansa tulad ng Thailand, Singapore at Vietnam ay inalis na ang ilang economic restrictions kaya’t mas pinipili ng mga mamumuhunan na doon maglagak ng negosyo.
Dagdag pa ng mambabatas, oras na pahintulutan ang mga foreign investors sa bansa ay lalong dadami ang negosyo na magreresulta sa dagdag na trabaho at dagdag na buwis na masisingil.
Suportado rin aniya ng mga Filipino business groups ang naturang hakbang dahil mas magiging masigla ang kompitensya at lalakas anila ang purchasing powers ng mga Pilipino.
Source: radyopilipinas
You may like
-
Pagtatakda ng price cap sa karneng baboy, pinaboran ng Palasyo
-
MAY ARI NG TESLA NA SI ELON MUSK, TINANGHAL NA PINAKAMAYAMANG TAO SA BUONG MUNDO
-
Lungsod ng Iloilo, itinanghal bilang ‘Most Business-Friendly LGU outside of Metro Manila’
-
P15k livelihood aid para sa mga small-time vendors at store owners, nirekomenda ng DSWD
-
JOLLIBEE, MAGSASARADO NG 255 STORES BUNSOD NG BILYONG LUGI
-
‘Wala munang new normal’: Pilipinas mananatili sa community quarantine – Malacañang