Connect with us

Business

Dagdag pang direct flights mula Korea papuntang Pilipinas, ipinupursige ng Tourism Dept

Published

on

Target ng Department of Tourism (DOT) na magkaroon pa ng karagdagang direct flights mula iba’t ibang key cities ng South Korea patungo ng Manila.

Ayon kay DOT Secretary Bernadette Romulo- Puyat na lumagda sa tourism cooperation sa pamahalaan ng South Korea, nais nilang matiyak na mas mapapalakas pa ang tourism ties sa pagitan ng South Korea at ng Pilipinas.

Sa ngayon ayon kay Puyat ay 14 na dagdag flights ang operational na patungong Pilipinas galing ng Korea kabilang dito ang Daegu-Kalibu-Daegu, Incheon-Bohol-Incheon, at Muan-Clark-Muan.

Isa aniya ito sa maituturing na dahilan kaya’t nananatiling biggest source of visitors for the Philippines ang Korea base sa January to September 2019 report ng DOT.

Nasa 1,450,792 Korean tourist arrivals aniya ang nai- record sa nabanggit na peryodo o katumbas ng 20.97% growth kumpara nuong 2018.

By: Alvin Baltazar 

Via/Source: radyopilipinas

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *