Connect with us

Business

Kauna-unahang Pinoy-designed Vans sneakers, mabibili na

Published

on

Photo from the web.

Mabibili na sa mga piling Vans stores sa bansa ang kauna-unahang Pinoy-designed Vans sneakers na nagkakahalaga ng P4, 298.

Ang limited edition sneakers na ito ang nagwaging disenyo sa 2018 Vans Asia Custom Culture Competition na gawa ng artist na si Nikko Pelaez mula sa Malabon.

Mahigit 10, 000 entries mula sa 10 bansa kasama ang Australia, China, Thailand, Japan at Singapore ang tinalo ni Pelaez sa kanyang  “Along with the Gods” design na inspired ng Greek mythology.

Ayon sa 23-anyos na graduate ng University of the East College of Fine Arts, sumali siya sa kumpetisyon hindi para sa premyo na umaabot sa US$25, 000 kundi para sa Art.

 “I just wanted to join [the competition]. I wanted to do it for art,” ani Pelaez.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *