Connect with us

Business

Panukala para sa compressed work week schedule, tinalakay na sa Kamara

Published

on

Image / saksingayon.com

Tinalakay na sa House Committee on Labor and Employment ang panukalang batas na gawing apat na araw na lamang ang trabaho pero hahabaan ang oras ng trabaho ng hanggang labindalawang oras.

Ayon kay Baguio City Representative Mark Go,  isa sa mga principal authors ng panukala, tulong raw ito upang maibsan ang pagdurusa ng mga manggagawa dahil sa sikip ng trapiko at upang mabawasan ang road users tuwing rush hour.

Sa pamamagitan nito mas aangat din umano ang productivity output ng mga empleyado bagay na napatunayan na umano nang ipatupad ng Microsoft company ang scheme na ito sa bansang Japan kung saan nagkaroon ng 40% na pag-angat ng productivity.

Pagtitiyak naman ni Go na mabawasan man ang araw ng pagta-trabaho ay walang mababago sa mga benepisyong natatanggap ng mga empleyado.

Bagamat walang pagtutol, iginiit naman ng Department of Labor and Employment (DOLE) na hindi na kailangan ng legislation o batas para dito.

Hindi dapat gawing mandatory ang naturang work scheme at sa halip ay optional lamang depende na rin sa mapagkakasunduan ng employer at employee.

By: Kathleen Jean Forbes 

Source: radyopilipinas.ph

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *