Business
NAWALANG KITA SA HOG INDUSTRY DAHIL SA ASF, UMAABOT NA SA P3-B

Published
1 year agoon

Tinatayang nasa P3-bilyong piso na ang nalulugi sa pork industry ng bansa magmula ng pumutok ang isyu sa African Swine Fever (ASF) nitong nagdaang buwan ng Agosto.
Sa press briefing sa Malacañang, inihayag ni Department of Agriculture (DA) Crisis Management Team on ASF Reildrin Morales na ang datos ay base na rin sa naging quotation ng ilang mga negosyante na karaniwan aniyang nakakabenta ng 3,000 baboy kada araw.
Kung ang isang baboy ay naibebenta ng P10,000, lalabas na P30-milyong piso kada araw ang nawawala sa kita ng mga nasa pork industry.
Papatak sa halos isang bilyong piso kada buwan ayon kay Morales ang income losses sa hog industry at P3-bilyong piso sa nakalipas na tatlong buwang tumama ang sakit na ASF sa mga alagang baboy.
By: Alvin Baltazar
SOURCE: radyopilipinas.ph
You may like
-
Pagtatakda ng price cap sa karneng baboy, pinaboran ng Palasyo
-
MAY ARI NG TESLA NA SI ELON MUSK, TINANGHAL NA PINAKAMAYAMANG TAO SA BUONG MUNDO
-
Lungsod ng Iloilo, itinanghal bilang ‘Most Business-Friendly LGU outside of Metro Manila’
-
P15k livelihood aid para sa mga small-time vendors at store owners, nirekomenda ng DSWD
-
JOLLIBEE, MAGSASARADO NG 255 STORES BUNSOD NG BILYONG LUGI
-
San Miguel Corp. Chairman Eduardo ‘Danding’ Cojuangco, pumanaw na