Connect with us

Business

Skinless longganisa, Picnic Hotdog ng Mekeni Food Corp, positibo sa African Swine Fever – DA

Published

on

Photo: Rappler

Kinumpirma na ng Departament of Agriculture na nagpositibo sa African Swine Fever (ASF) ang dalawang produkto ng Mekeni processing Corporation.

Sa isinagawang Joint Press Conference na isinagawa ng Department of Agriculture (DA)-Department of Health (DOH), tinukoy nina DOH Undersecretary Eric Domingo at Agriculture Secretary William Dar ang Skinless longganisa at Picnic Hotdog ng Mekeni Food Corporation.

Ayon kay Domingo, dalawang ulit nilang isinailalim sa pagsusuri ang naturang mga produkto at lumitaw na positibo ito sa ASF.

Pinuri naman ni Domingo ang Mekeni dahil nagkusa itong bawiin sa merkado ang kanilang produkto bago pa lumabas ang resulta ng pagsusuri.

Pero wala namang dapat ikabahala ang mga consumer ng pork-based products dahil ligtas naman itong kainin.

Para sa nakabili ng naturang produkto, maari pa itong maibalik at makakuha ng refund.

Pagpapaliwanagin naman ang Mekeni at kapag hindi ito katanggap-tanggap ay saka sila magpapataw ng parusang administratibo na posibleng pagbawi sa license to operate.

By: Rey Ferrer 

Source: radyopilipinas.ph

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *