Connect with us

Business

Magsasakang Dabawenyo, wagi sa International Cocoa Awards sa Paris, France

Published

on

Mang Jose Saguban (Image: Courtesy of Auro Chocolate)

Napabilang sa Top 20 Best Cacao Beans sa buong mundo ang simpleng Dabawenyong magsasaka mula sa Paquibato District ng Davao City.

Ipinagmamalaking itinaas ang bandila ng Pilipinas ni Jose “Manong Joe” Saguban sa ginanap na International Cocoa Awards sa Salon du Chocolat sa Paris France noong October 30, 2019 nang mapabilang ang kanyang cacao sa nangunang may pinaka magandang klase ng cacao beans sa buong mundo.

Noong Agosto nitong taon, pinarangalan ni Agriculture Secretary William Dar si Saguban bilang Cacao Farmer Hero dahil sya ang natatanging magsasakang Filipino na umabot sa Top 50 entries para sa International Cocoa Awards ngayong taon.

Gayunpaman, matagumpay na nasungkit ni Sanguban ang Top 20 Award.

Ayon naman kay DA XI Regional Director Ricardo Onate, Jr. nagsilbing inspirasyon si Sanguban sa iba pang mga maliliit na magsasaka na posibleng mapabilang din sa international market.

By: Macel Mamon Dasalla 

Source/Via: http://radyopilipinas.ph/rp-one/articles/regional/magsasakang-dabawenyo-wagi-sa-international-cocoa-awards-sa-paris-france

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *