Connect with us

Business

PRESYO SA ILANG NOCHE BUENA PRODUCTS INAASAHANG TATAAS

Published

on

Inaasahang tataas ang presyo ng ilang Noche Buena products ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).

Batay kay Trade Assistant Secretary Claire Cabochan, karamihan sa mga produkto ay may taas-presyo pero magiging bahagya na lang ito matapos pakiusapan ng DTI ang manufacturers.

Kabilang sa mga Noche Buena products na tataas ang presyo ay ang hamon, keso, pasta, condensed milk at fruit cocktail.

Ilalabas ng DTI ang panibagong suggested retail price (SRP) ng Noche Buena products sa Huwebes, November 1.

Ayon kay Cabochan, hinihintay na lang ang go signal ni Trade Secretary Ramon Lopez sa inihihirit na taas-presyo.

Source: radyo.inquirer.net

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *