Business
DTI, NAGBABALA SA PUBLIKO SA PAGBILI NG MGA SUBSTANDARD NA MGA CHRISTMAS ITEMS

Published
1 year agoon

Muling nananawagan ang Department of Trade and Industry (DTI) sa publiko na iwasan ang pagbili ng mga substandard na mga Christmas lights ngayong malapit na ang holiday season upang maiwasan ang kapahamakan.
Ayon sa DTI, kailangan malaman kung may Philippine standard mark ang Christmas lights at ang ICC sticker nito ay mula 2013 pataas.
Maliban dito, pinapaalalahanan rin ng ahensya ang mga negosyante hinggil sa mga presyo ng mga Christmas items na sumunod sa ipinapatupad na suggested retail prices.
Samantala, sinabi naman ni Christopher Dalhog, Trade-Industry Development specialist sa DTI-Davao, kasalukuyan ay wala pang ipinapatupad na pagtaas ng presyo sa mga Noche Buena items.
Patuloy din umano nilang mino-monitor ang mga tindahan upang mapigilan ang pagsasamantala sa mga mamimili.
By Sheila Lisondra
Source/Via: radyopilipinas
You may like
-
SRP SA MGA LAPTOP AT TABLET, PINAG-AARALAN NG DTI
-
DTI, nilinaw na maaari pa ring mag-barter basta’t ito ay personal na transaction
-
DTI sa online barter trade, ilegal at dapat buwisan
-
DTI, binawi na ang ‘quantity limit’ sa pagbili ng mga essential products
-
POSIBLENG PAGBUKAS NG SALON AT BARBERSHOP, PINAG-AARALAN NG DTI
-
DTI-Aklan, Nagbabala sa mga lalabag sa Price Freeze sa mga Pangunahing Bilihin