Connect with us

Business

Johnson & Johnson pina-recall ang 33-k bote ng baby powder matapos matuklasan ng FDA na may asbestos sa sample

Published

on

Photo: EPA

Pinababawi ng Johnson & Johnson ang kanilang 33,000 bottles na baby powder sa Estados Unidos matapos matuklasan ng U.S. Health Regulators na may asbestos sa kanilang sample na mula sa isang bote na nabili online.  

Natuklasan ang asbestos sa mga naibentang baby powder ng J&J sa ginawang product test ng Food and Drugs Administration (FDA).

“The FDA stands by the quality of its testing and results and recommended consumers stop using the product if it comes from the affected lot.”

Ayon sa FDA, ang iconic na baby talcum powder ng J&J ay kontaminado ng asbestos at nagdudulot ito ng ovarian cancer o mesothelioma.

Mariing itinanggi naman ng Johnson & Johnson ang mga paratang sa kanila.

Paliwanag ng J&J naglunsad umano sila ng pagsusuri at wala namang natagpuang asbestos sa mga naunang test.

“Years of testing, including the FDA’s own testing on prior occasions – and as recently as last month – found no asbestos,” pahayag ng kumpanya.

Kaugnay nito ay bumulusok ang value ng naturang firm sa merkado ng 6 percent.

Nahaharap ngayon sa iba’t ibang mga kaso ang 130-year old na kumpanya mula sa kanilang mga consumers dahil sa “impurities” umano sa kanilang mga produkto.

Nagpasya naman ng voluntary recall sa mga baby powder ang naturang kumpanya.

“The voluntary recall announced on Friday is limited to one lot of Johnson’s Baby Powder produced and shipped in the United States in 2018.”

“The recalled lot of 22-ounce bottles is #22318RB. Refunds are available through the company’s website.”

Inilarawan naman ni Dr. Susan Nicholson, head ng Women’s Health ng medical safety organization ng kumpanya, na ang nakitang asbestos sa FDA testing ay isang environmental contaminant na kadalasang matatagpuan sa mga building materials at industrial applications.

Source: reuters

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *