Connect with us

Business

ABS-CBN franchise renewal, ipinauubaya na ni Dep. Speaker Vilma Santos-Recto sa mga kasamahan sa Kamara

Published

on

Photo of ABS-CBN building from Wikipedia

Ipinauubaya na lamang ni House Deputy Speaker Vilma Santos-Recto sa “sound discretion” ng kanyang mga kapwa kongresista ang usapin hinggil sa franchise renewal ng ABS-CBN Corp.

Kasunod ito ng pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na ang paglalahad lamang ng inis ni Pangulong Rodrigo Duterte ang banta nitong pagharang sa franchise renewal ng naturang network.

Ikinatuwa naman ni Santos-Recto, ang pagkilala ni Panelo sa exclusive power ng Kongreso sa naturang usapin.

Maari aniyang hintayin na lang ang aksyon ng Committee on Legislative Franchises tungkol dito sa pagbabalik ng sesyon sa Nobyembre.

Isa si Santos-Recto sa mga naghain ng panukala para sa franchise renewal ng ABS-CBN na nakatakdang mag-expire sa March 30, 2020.

By: Kathleen Jean Forbes

Source/Via: radyopilipinas

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *