Published
1 year agoon
Nalampasan na ng Singapore ang Estados Unidos bilang world’s most competitive economy, ayon sa World Economic Forum (WEF).
Batay sa ulat, naitala ng Singapore ang 84.8 out of 100 score sa WEF scale kung saan tinalo nito ang lahat ng bansa sa usapin ng infrastructure quality at economic openness.
Sa usapin naman sa life expectancy, labour market at worker protection ay nangunguna pa rin ang Singapore.
Ang Estados Unidos na may iskor na 83.7 ay nalaglag sa ikalawang pwesto dahil sa lower domestic competition, nabawasang trade openness at hindi gaanong pagkakasundo ng business leaders.
Gayunman, nananatili pa rin umanong innovation powerhouse ang US at nangunguna sa business dynamism pillar, pangalawa sa innovation capability at una rin sa skilled employees.
Samantala, pasok din ang iba pang bansa sa East Asia at Pacific Region sa top 10 most competitive kabilang ang Hong Kong at Japan.
Ang iba pang bansang pasok sa top 10 ay ang mga European countries partikular ang The Netherlands, Switzerland, Germany, Sweden, United Kingdom at Denmark.
By: Rhommel Balasbas
Source / Via: https://radyo.inquirer.net/209225/singapore-naungusan-na-ang-us-bilang-worlds-most-competitive-economy
US, INAPRUBAHAN ANG P269-M COVID-19 AID NG PINAS MATAPOS ANG TAWAGAN NI TRUMP AT DUTERTE
US nagpakawala ng airstrikes sa storage facilities ng Iraq
TikTok ‘major security risk’ sa US, nais ipagbawal ng US senator
Death toll sa US dahil sa COVID-19, sumirit na sa 9
Iran warns US allies not to retaliate to missile strikes and threatens to hit Israel and Dubai too
Ganti ng Iran nagsimula na; mahigit 1 dosenang missile pinaulan sa US military base