Business
WATER CONSUMPTION NG MAHIHIRAP NA PILIPINO, PLANONG GAWING LIBRE

Published
1 year agoon

Kasabay ng pagbalangkas sa panukalang magtatatag ng Department of Water Resource (DWR), isinusulong ni Albay Rep. Joey Salceda na gawing libre ang paggamit ng tubig ng mga mahihirap na Pilipino.
Ayon sa mambabatas, and tubig ay isa sa nga basic right na dapat nagagamit ng libre ng mga Pilipino.
Aniya, kung ang monthly consumption ng isang consumer ay nasa 10 hanggang 15 cubic meters lamang ay dapat na itong gawing libre.
Samantala, oras na maipasa ang DWR, agad na hihilingin ang paglalaan ng pondo sa ahensya para sa missionary water connection upang makabitan ng koneksyon ng tubig ang mga kabahayan, lalo na ang mga nasa malalayong lugar at mga conflict-affected areas.
Lumalabas sa ginawang pagpupulong na 43% lamang sa bansa ang may water connection at maraming mapagkukunan ng tubig na hindi naman nama-manage o nagagamit ng tama.
Pinag-aaralan din kung maaaring i-advance ang P420 billion na pondo sa waste water management sa loob ng 20 taon.
Nasa 24% lang kasi ang waste water treatment ng Maynilad at Manila Water kaya ang mga tubig na lumalabas sa mga kabahayan papuntang kanal, ilog at dagat ay madumi o hindi treated.
By: Kathleen Jean Forbes
Via / Source: http://www.radyopilipinas.ph/rp-one/articles/business/water-consumption-ng-mahihirap-na-pilipino-planong-gawing-libre
You may like
-
Pagtatakda ng price cap sa karneng baboy, pinaboran ng Palasyo
-
MAY ARI NG TESLA NA SI ELON MUSK, TINANGHAL NA PINAKAMAYAMANG TAO SA BUONG MUNDO
-
Lungsod ng Iloilo, itinanghal bilang ‘Most Business-Friendly LGU outside of Metro Manila’
-
P15k livelihood aid para sa mga small-time vendors at store owners, nirekomenda ng DSWD
-
JOLLIBEE, MAGSASARADO NG 255 STORES BUNSOD NG BILYONG LUGI
-
San Miguel Corp. Chairman Eduardo ‘Danding’ Cojuangco, pumanaw na