Connect with us

Business

TUCP UMALMA SA ISINUSULONG NA CITIRA NG DOF

Published

on

Tahasang inakusahan ng workers group na Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang Department of Finance (DOF) na pinaglalaruan ang buhay ng mga manggagawa dahil sa pagsusulong ng Corporate Income Tax Incentives Reform Act (CITIRA).

Ayon kay TUCP President Raymond Mendoza, dapat kinunsulta muna ang hanay ng paggawa bago hiniling sa kongreso na iratsada ang pagpasa sa naturang panukalang batas.

Ani Mendoza, aabot sa 703,000 workers ang maaring mawalan ng kabuhayan dahil sa CITIRA.

Sa ilalim ng CITIRA bill, maaaring alisin na ang tax incentives na napapakinabangan ng malalaking kumpanya.

Samantalaa, bababaan naman ng 20 percent ang corporate income tax mula sa kasalukuyang 30 percent.

Bilang resulta aniya, ay posibleng mapilitan ang mga maapektuhang kumpanya na magsara o magbawas ng tauhan o ilipat sa ibang bansa ang kanilang negosyo.

Minaliit din ng TUCP ang P500 million na annual budget para sa support programs ng Department of Labor and Employment (DOLE) para sa madi-displace na mangggawa .

Dagdag pa ni Mendoza, hanggang ngayon marami pang manggagawa ang hindi nakakatanggap ng katulad na ayuda nang ipatupad ang TRAIN law.

By: Rey Ferrer

Via / Source: http://www.radyopilipinas.ph/rp-one/articles/business/isinusulong-na-citira-ng-dof-inaalmahan-ng-tucp

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *