Connect with us

Business

Samsung, ipinasara na ang huli nilang pabrika ng smartphone sa China

Published

on

Samsung Factory in China Samsung ipinasara ang pabrika

Ipinasara na ng Samsung Electronics ang huli nilang pabrika ng smartphone sa China.

Sa isang email na ipinalabas ng kumpanya, ipinahayag na inihinto na ang produksyon ng mga smartphones  sa kanilang pabrika sa Huizhou, China.

Sinabi pa sa email na naging mahirap sa kanila na itigil ang operasyon ng Samsung Electronics Huizhou ngunit kailangang gawin upang maging mas episyente ang kanilang manufacturing.

Bumaba ang market share ng Samsung sa China mula nang umangat ang mga kakompetensyang kumpanya tulad ng Huawei at Xiaomi.

Bunsod nito, inilipat ng kumpanya mula sa South Korea ang malaking bahagi ng kanilang smartphone production sa Vietnam at ipinasara na ang kanilang pabrika sa Tianjin, China.

“The production equipment will be re-allocated to other global manufacturing sites depending on our global production strategy based on market needs,” ani ng kinatawan ng Samsung.

Bagong iPhone units ng Apple ilalabas sa September 10

Ang Samsung ang pinakamalaking tagagawa ng semiconductors at smartphones sa buong mundo, at ang pangunahing prodyuser ng display screens.

Katulad ng iba pang mga kumpanya sa South Korean na nagpo-produce ng electronics, nararanasan din nila ang epekto ng pagkontrol ng Japan sa pag-export ng high-tech materials na ginagamit sa semiconductors at displays.

Actually, since February after the Chinese Lunar New Year, many – and a growing number – of residents of the [nearby] town of Chenjiang, from businesspeople, hawkers, workers, landlords to security guards at nearby electronics factories, have heard and spread the rumours that Samsung will shut down a large part of its production capacity in the coming months,” ani Zhong Ming, isang residente ng Huizhou na nakasaksi sa pamamayagpag ng pabrika ng Samsung sa loob ng tatlong dekada.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *