Connect with us

Business

10 BUSINESS AGREEMENT, NALAGDAAN SA PAGBISITA NI PANGULONG DUTERTE SA RUSSIA

Published

on

Photo by Karl Norman/Presidential Photo

Sampung business agreement ang nilagdaan sa ilang araw na official visit ni Pangulong Duterte sa Russia.

Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez, isa sa sampung pinirmahang kasunduan tungkol sa pagnenegosyo ay memorandum agreement habang dalawa ay distributorship agreement.

Lima ay Memoranda of Understanding o MOUs habang dalawa ay Memoranda of Intent na pawang isinumite na kay Pangulong Duterte.

Isang MOU rin ang nilagdaan sa pagitan ng Century Pacific Agricultural Ventures Inc. at Panasia Impex Company para sa pagsusuplay ng coconut milk sa Russia.

Idinagdag din ni Lopez, na patuloy nilang itinataguyod ang pagpo-promote sa mga negosyong may kinalaman sa pharmaceuticals, chemicals, aerospace and aviation, energy, oil and gas, agri and industrial machineries.

By: Alvin Batazar

Via / Source: http://www.radyopilipinas.ph/rp-one/articles/national/10-business-agreement-nalagdaan-sa-pagbisita-ni-pangulong-duterte-sa-russia

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *