Connect with us

Business

PH, umangat sa world digital competitiveness ranking

Published

on

world digital competitiveness ranking
Sa gitna ng pabago-bagong lagay ng pandaigdigang ekonomiya, ang mga bansa na handang mag-adapt sa panahon at may kaalamana sa paggamit ng teknolohiya ang panalo. Litrato mula kay Markus Spiske ng Unsplash

Umangat ng isang ranggo ang Pilipinas sa world digital competitiveness ranking, ayon sa tala ng IMD World Competetiveness Center.

Nakamit ng Pilipinas ang ika-55 mula sa 63 economies sa mundo. Isang pwesto ang iniangat nito kumpara sa ranking nito noong 2018 na 56th.

Sinusukat sa nasabing world ranking ang kakayanan at kahandaan ng 63 na mga bansa na makiangkop at mag-explore ng digital technologies bilang mga pangunahing tagasusog ng economic transformation sa negosyo, gobyerno, at lipunan.

Tatlong indikasyon ang tinutututukan sa world digital competitiveness ranking. Ang mga ito ay ang kaalaman at kapasidad para maintindihan at matutunan ang bagong teknolohiya; teknolohiya o kakayahan para makapag-develop ng bagong digital innovations; at future-readiness  o ang kahandaan para sa mga darating na developments.

In the midst of uncertainty and a fluid global situation, it seems that businesses and societies that are agile correlate strongly with the IMD World Digital Competitiveness ranking. Knowledge also remains of paramount importance for the digital performance of different economies,” ani Arturo Bris, isang propesor at ang direktor ng IMD World Competitiveness Center.

Nakamit ng United States of America, Singapore, Sweden, Denmark, and Switzerland ang top 5 na mga ranko.  Napanatili nila ang sa mga ranggo nila noong nakaraang taon. 


Russia seeks ‘profound, long-term’ ventures with PH

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *