Business
TAAS-PRESYO SA LANGIS IPATUTUPAD SIMULA BUKAS, SEPT. 24

Published
1 year agoon

Nag-anunsiyo na ang ilang kumpaniya ng langis ng halaga sa presyo ng kanilang mga produkto sa inaasahang ipapatupad na big-time oil-price hike simula bukas, September 24.
Ayon sa Shell, Petro Gazz at Cleanfuel, tataas ng P2.35 ang kada litro ng gasolina habang P1.80 naman sa kada ng diesel.
Samantala, P1.75 naman ang taas-presyo ng kerosene o gaas ng Shell.
Epektibo ang oil price adjustment ng Shell at Petro Gazz alas-6:00, Martes ng umaga, habang alas-12:01 naman ng madaling araw ng Miyerkules ang sa Cleanfuel.
Inaasahang mag-aanunsyo na rin ng price adjustments sa kanilang mga produkto ang iba pang kumpanya ng langis ngayong araw.
Ang P2.35 kada litrong dagdag sa gasolina simula bukas ay ang pinakamataas na taas-presyo ngayong 2019, sunod sa P2.24 kada litro na dagdag noong Enero dahil sa excise tax.
You may like
-
Pagtatakda ng price cap sa karneng baboy, pinaboran ng Palasyo
-
MAY ARI NG TESLA NA SI ELON MUSK, TINANGHAL NA PINAKAMAYAMANG TAO SA BUONG MUNDO
-
Lungsod ng Iloilo, itinanghal bilang ‘Most Business-Friendly LGU outside of Metro Manila’
-
P15k livelihood aid para sa mga small-time vendors at store owners, nirekomenda ng DSWD
-
JOLLIBEE, MAGSASARADO NG 255 STORES BUNSOD NG BILYONG LUGI
-
San Miguel Corp. Chairman Eduardo ‘Danding’ Cojuangco, pumanaw na