Antique News
SEARCH OPERATION SA PULIS NA MISSING MATAPOS TUMAOB ANG SPEED BOAT, MAGPAPATULOY NGAYONG ARAW

Published
10 months agoon

Caluya, Antique – Magpapatuloy ngayong araw ang search operation ng Philippine Coast Guard-Antique sa pulis na nai-report na missing matapos tumaob ang speed boat Cabana kahapon ng umaga sa karagatan ng Caluya, Antique.
Ayon kay Commander Perlita Cinco, station commander ng PCG Antique, hininto nila ang ang search operation kahapon dahil malalim ang lugar kung saan na capsized ang speed boat at ipagpapatuloy na Lang ngayong araw.
Ipinahayag ni Cinco na papunta sana za Sibolo Island ang speed boat sakay ang tatlong pulis na sina PCpl Mark Anthony Alejandro, Patrolman Allan Sabano at PSSgt. Albert Francisco at dalawang myembro ng PCG na sina PO3rd Kim Dayalo at Seaman 2nd Jerald Ligan ng hampasin ng malakas na alon ang nasabing sasakyan dahilan upang tumaob at lumubog ito.
Si PCpl. Mark Alejandro ang nananatiling missing sa ngayon.
Napag alaman na mula sa Poblacion Caluya ang speed boat na nagsilbing escort ni Mayor Rigil Lim na magdideliver sana ng relief goods sa coastal brgys ng Caluya.
You may like
-
MUNISIPYO NG KALIBO, BALIK-OPERASYON NA
-
AKLAN, MAY 146 ACTIVE CASES NG COVID-19
-
LGU LIBACAO, NAGPAALALA SA MAG MAHIGPIT NA PAGSUNOD SA HEALTH PROTOCOLS SA MGA PAMPUBLIKONG TRANSPORTASYON
-
ILANG BAHAGI NG POBLACION, MAKATO, ISINAILALIM SA ‘TEMPORARY LOCKDOWN’ PARA SA CONTACT TRACING
-
GATAS NG ISANG INA, NAGKULAY BERDE MATAPOS MAGKA-COVID
-
LSI lumabas sa quarantine facility para dumalo sa birthday party